Church of Jesus Among the Teachers: Maligayang pagdating - Church of Jesus Among the Teachers

Jump to content

Page 1 of 1
  • You cannot start a new topic
  • You cannot reply to this topic

Maligayang pagdating

#1   JMA 

  • Advanced Member
  • Group: Members
  • Posts: 895
  • Joined: 09-June 10
  • Gender:Male

Posted 04 February 2011 - 11:03 PM

“Taun-taon, tuwing pista ñg Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. Nang siya’y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. Sila’y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ñg kanyang mga magulang. Maghapon na silang nakapaglakbay na inaakalang kasama nila ang bata ngunit napansin nilang wala pala siya. Siya ay hinanap nila sa kalinang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap.

“Pagkalipas ñg tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya’y nakaupong kasama ñg mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ñg nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan.

“Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ñg kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo”. Sumagot si Jesuzs, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako’y dapat mamalagi sa bahay ñg aking Ama?”

(Lucas 2:41-49)


Mahal na kaibigan ñg Pilipinas, maligayang pagdating sa aming website!
0

Page 1 of 1
  • You cannot start a new topic
  • You cannot reply to this topic

2 User(s) are reading this topic
0 members, 2 guests, 0 anonymous users